Posible pa rin umanong maisailalim sa general court martial si Sen. Antonio Trillanes IV kahit resigned na ito sa serbisyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa isang military general na tumangging pangalanan at may alam sa military justice system, mayroon aniyang batas na kahit resigned na ang isang opisyal sa military service at isa na itong sibilyan ay maaari pa rin siyang isalang sa court martial.
Sinabi ng opisyal na maaaring nakitaan ng butas ang senador kaya isasailalim ito muli sa military justice system.
Pahayag ng opisyal na kung ano ang magiging hatol ng General Court Martial, ipapasa na ito sa civilian court.
Sa kabilang dako, bagama’t nasa red alert status ang Kampo Aguinaldo ay normal pa rin naman ang sitwasyon sa loob nito.
Sa ngayon tikom na ang bibig ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense kaugnay sa isyu ni Trillanes.