NAGA CITY – Sugatan ang apat na katao kasama ang isang sanggol sa nangyaring aksidente sa Brgy. Bagumbayan, Libmanan, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PStaff Sgt Emyrose Organis, spokesperson ng Libmanan PNP sinabi nito na papunta sana ang mga biktima sa ospital upang isugod ang maysakit na isang taong gulang na sanggol.

-- Advertisement --

Ayon kay Organis, pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada, nawalan ng kontrol ang driver na si Edwin Arcino, 35-anyos sa minamanehong tricycle.

Kaugnay nito, tumaob aniya ang nasabing saksakyan na naging dahilan para magtamo ng sugat ang mga pasahero.

Agad namang nakapag responde ang mga otoridad kung saan agad ding nadala ang mga ito sa ospital .

Samantala ayon kay Organis, maswerte naman aniyang hindi gaanong nasaktan ang naturang sanggol.