ROXAS CITY – Arestado ang isang tricycle driver sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Station Drug Enforcement Team ng Roxas City Police Station sa Barangay Dayao, Roxas City.

Kinilala ang naaresto na si Mariel Romero, 24, residente rin ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Master Sergeant Ramil Arcangeles, tagapagsalita ng Roxas City PNP, inihayag nito na kabilang si Romero sa Directorate for Intelligence (DI) list ng pulisya.

Narekober sa suspek ang limang sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P5, 000, isang cellphone, wallet, at P1,000 na buy bust money.

Mahigpit na monitoring ang isinagawa ng pulisya sa suspek bago ginawasaxg ang naturang operasyon.

Sa ngayon, nakaaaresto na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.