-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang isang tsuper ng tricycle at pasahero nito matapos salpukin ng isa ring tricycle sa Santiago City

Kinilala ang mga sangkot na tricycle na minamaneho ni Dionisio Velasco, 52 anyos , construction Worker na residente ng Barangay Rizal, Santiago City habang ang nagmamaneho ng isa pang tricycle ay si Jesus Dalicau, 45 anyos na residente ng Dubinan East, Santiago City sakay nito si Victoria Dela Cruz, 58 anyos na residente ng Villa Gonzaga, Santiago City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na binabagtas ng dalawang tricycle ang magkasalungat na linya nang bigla umanong umagaw ng linya ang tricycle na minamaneho ni Velasco na nagsanhi para salpukin nito ang kasalubong na tricycle na minamaneho ni Dalicau.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Dalicau at ang sakay ng tricycle na si Velasco na isinailalim sa ilang pagsusuri.