ILOILO CITY – Nagsampa ng patong-patong na reklamo laban kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mayoral candidate na katunggali nito sa May 2022 elections.
Ang administrative complaints ay Grave Misconduct, Conduct Unbecoming of a Public Official, at Grave Abuse of Authority na inihain sa Office of the Ombudsman kasabay mismo ng unang araw ng campaign period para sa local candidates.
Ang nag-file ng reklamo ay sina former Iloilo City Councilor Plaridel Nava at mayoral candidate Salvador Jun Capulot.
Kabilang sa mga isyu laban sa alkalde ay ang pagbili ng motor vehicles para sa mga konsehal, purchase ng napakaraming Covid-19 vaccines at P14 Million-worth nito ang na-expire, at pagpasa ng Supplemental Budget No. 1 na walang kaaugnayan sa Covid-19 response
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Treñas, sinabi nito na pamumulitika lang ang motibo sa likod ng naturang reklamo.
Handa umano siyang harapin ang reklamo — sa Ombudsman man, sa Korte, o sa harap ng publiko.
Sinabi pa ng alkalde na walang alam sa local government at pamamahala ang katunggali nito.