Mamayang alas-12:01 pa ng madaling araw ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang travel ban ng mga pasaherong galing sa bansang Austira.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, ang mga foreign nationals na galing sa Austria ay pagbabawalan nang makapasok sa bansa simula mamayang hating gabi at magtatapos sa Enero 15.
“The restriction for those coming from Austria will start at 12:01 midnight of January 10, and will be in effect until January 15,” ani Morente.
Dahil sa karagdagang bansang naisama sa restricted countries ay aabot na sa 28 na bansa ang kasama sa travel ban.
Unang inanunsiyo ng pamahalaan ang pag-ban sa mga travellers mula sa United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong SAR, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain at United States.
Kahapon ay isinama na rin ang bansang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil.
Nilinaw naman ni Morente na ang mga Pinoy na galing sa mga naturang bansa ay papayagan pa ring mkapasok sa Pilipinas pero agad naman silang ire-refer sa one stop shop ng paliparan para sa sumailalim sa “absolute facility-based 14-day quarantine period” kahit negatibo pa ito sa RT-PCR test.
“They will be considered transiting if they merely stayed in the airport, were just there for a layover, and were not cleared for entry by immigration authorities in the said countries,” dagdag ni Morente.
Ang expanded travel restrictions ay direktiba ng Malacang dahil pa rin sa bagong strain ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).