-- Advertisements --

Inirekomenda na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa IATF ang pagpataw ng temporary ban sa mga biyahero mula India.

Nilinaw ni Locsin na ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat at hindi para patungkulan ang sinuman.

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nakipag-ugnayan na sila sa DFA para talakayin ang posibilidad na magpatupad ng ban sa mga biyahero mula India, na kasalukuyang nahaharap sa matinding surge ng COVID-19 cases.

Ayon sa mga eksperto, ang surge sa India ay dahil sa bagong variants ng coronavirus na tinatawag ngayon bilang “double mutant” dahil sa mutations nito.

Ayon sa mga health authorities ng Pilipinas, ang variant na ito ay hindi pa nade-detect sa bansa.