-- Advertisements --

Epektibo na dakong alas-12:01 mamayang madaling ang travel restriction sa mga banyagang mula sa Czech Republic.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, natanggap na nila ang direktiba mula sa Malacanang at agad naman nila itong susundin.

Sa isang advisory, kabilang daw sa mga hindi na papayagang makapasok sa bansa mamayang madaling araw ang mga banyaga mula sa naturang bansa o ang mga nandoon na sa loob ng 14 days at magtatapos ito hanggang sa katapusan ng buwan.

Noong nakaraang taon, 3,184 Czechs ang pumasok sa bansa bago ipatupad ng bansa ang mas mahigpit na travel restrictions matapos magpatupad ang bansa ng hard lockdown dahil sa covid pandemic.

Kabilang din sa mga nasa travel banang United Kingdom UK), Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, including Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain at United States.

Kasama rin dito ang mga banyaga mula Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.

Ipinag-utos na rin noon ng Malacanang na isama sa restrictions ang United Arab Emirates (UAE) at Hungary pero temporary restricted lang.