-- Advertisements --

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang traslacion o ang taunang prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno, na dinaluhan ng milyun-milyong deboto, ay hindi nagdulot ng malawakang pagkalat ng COVID.

Base aniya sa kanilang datos, magandang balita na hindi tumaas ang kaso ng COVID sa lungsod ng Maynila at sa katunayan ay bumababa.

Magugunitang, nakapagtala ang lungsod ng dalawang bagong kaso ng COVID, kaya umabot na sa 32 ang kabuuang aktibong kaso sa Maynila.

Mayroon ding 125,349 na gumaling at 2,105 na namatay na may kaugnayan sa COVID sa Maynila sa ngayon.

Ipinahayag din ni Lacuna-Pangan ang kanyang pakikiramay sa isang residente ng Maynila na, sa kabila ng nakumpleto ang bakuna laban sa COVID, ay pumanaw dahil sa “maraming comorbidities.”

Una rito, mahigit 3.2 milyong deboto ang sumama sa prusisyon, habang mahigit 1.9 milyonang nakinig ng oras-oras na misa sa Quiapo Church at 939,000 ang pumunta sa Quirino Grandstand para sa “pahalik.”

Paulit-ulit na pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga deboto na patuloy na magsuot ng kanilang mga face mask.

Gayunpaman, karamihan sa mga debotong dumalo sa Traslacion ay walang mga suot na mask.