Mas maayos ang buong aktibidad ng Traslacion ngayong taon kumpara nuong nakaraang taon.

Ito ang assessment nina PNP chief PDGen. Oscar Albayalde at NCRPO chief PDir. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Albayalde, wala silang naitalang mga mga major incidents, maliban na lamang sa naitalang 477 minor injuries na agad namang nabigyan ng medical treatment.

Batay naman sa pagtaya ni Eleazar, nasa 4 million na mga deboto ang nakilahok sa Traslacion 2019 kahapon.

Sa panayam kay Eleazar, sinabi nito na hindi nila alintana ang travel time ng prusisyon dahil nakatutok ang PNP ay ang pagiging maayos at tahimik ng aktibidad.

Ayon sa heneral, naging maayos ang Traslacion 2019 dahil sa tulong ng ibat ibang concerned agencies.

Nasa 7200 pulis ang kanilang dineploy, habang 2000 naman ang sundalo.

Pinuri naman ni Eleazar ang mga pulis at sundalo na higit isang araw nang na nakaduty at walang tulog masiguro lamang na maging maayos at mapayapa ang Traslacion 2019.

Dagdag pa ni Eleazar, may mga lessons learned din sila, at sinabi rin na sa susunod na taon lalo pang pagagandahin ng PNP ang latag ng seguridad.

Bubuo raw sila ng Technical Working Group at kanilang ikukunsidera ang scientific assessment and evaluation kung ilan talaga ang crowd estimate at on time evaluation.

Samantala, kuntento naman si PNP chief sa naging latag ng seguridad ng NCRPO sa Traslacion.

Nagpasalamat naman si Albayalde sa kanilang AFP counterparts sa tulong lalo na sa paggamit ng kanilang choppers sa ginawang aerial inspection.

” Wala tayo nakukuha but then again sabi ko nga since mataas ang threat level sa mindanao we do not take any chances here dito sa Metro Manila. Yes very much satisfied and of course nagpapalsamaata tayo sa ating mga counterparts sa AFP for the augmentation and yung mga fly by,” pahayag ni Albayalde.