Reading Time: 1 minute
Precilyn Silvestre Melo Pacquiao 4
Photo for Bombo Radyo by Precilyn Silvestre-Melo (USA correspondent)

BACOLOD CITY – Nagugustuhan ng Team Pacquiao ang ginagawang trash-talk ng American boxer na si Keith Thurman habang palapit na ang kanilang laban ni Senator Manny Pacquiao sa Las Vegas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa miyembro ng Team Pacquiao na si Rodel Mayol direkta sa Los Angeles, sinabi nitong parang babae umano kung magsalita si Thurman.

Dahil naaapektuhan si Pacquiao sa mga sinasabi ni Thurman laban sa kanya, sinabi ni Mayol na maganda ang epekto nito sa magiging performance ng Pinoy ring icon.

Ayon kay Mayol, na trainer din sa Wild Card Gym sa LA, ini-intimidate lamang ng American boxer si Pacquiao.

rodel mayol
Ex-WBC junior flyweight champ Rodel Mayol

Pero dahil sa mga ginagawang pangkakanti ni Thurman, makikita naman daw ngayon kay Pacquiao ang pagiging seryoso at focused nito training.

Note: Pls click above on Rodel Mayol’s statement