-- Advertisements --
Umapela ang ilang transport groups sa pamahalaan na padaliin ang proseso ng pamimigay ng fare matrix sa mga drayber.
Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa mga jeep at pampublikong bus sa buong bansa.
Inihayag ni PISTON national president Mody Floranda na may drayber pa na hindi pa makakapaningil ng dagdag na piso dahil wala pa silang kopya ng taripa na maipapaskil sa kanilang mga sasakyan.
Umaasa din siya na hindi na kailangang daanin sa online application ang paghingi ng kopya ng taripa.
Pero higit dito, nananawagan si Floranda sa pamahalaan na lutasin din ang problema ng labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.