-- Advertisements --

Nananatiling positibo pa rin ang mga transport group na magpapalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) para pigilan ang phaseout sa mga traditional jeepney sa ilalim ng public Utility modernization program.

Sinabi ni Pinagkaisang Samahang ng mga Transport Organization Nationwide (PISTON) president Mody Floranda na umaasa silang panigan sila ng hustisya.

Magugunitang inihain nila kasama ang ilang transport group sa Korte Suprema ang petisyon na pumipigil sa implementasyon ng nasabing programa.

Humirit ang grupo sa Korte Suprema na ideklarang null and void ang nasabing modernization program.

Magpupulong muli ang mga transport group para pagplanuhan ang iba nilang hakbang sa nasabing planong tigil pasada.