-- Advertisements --

Naniniwala ang isang transport group sa Bicol na dagdag-pasahe sa lahat ng public utility vehicles (PUVs) ay magiging pasakit para sa mga pasahero sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Tanggol Pasada Network Bicol Spokesperson Renato Piolino sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi dapat ipasa ng gobyerno sa mga commuter ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo.

Iminungkahi rin niya na mas mainam na alisin ang excise tax at value-added tax sa produktong petrolyo kaysa magpatupad ng fare hike.

Pinuri naman niya ang hakbang ng gobyerno na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang excise tax sa gasolina.

Dagdag pa ni Piolino, kung agad itong ipatutupad ay hindi na nila kailangang manawagan ng dagdag-pasahe at hindi na maipapasa ang pasanin sa mga commuter.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga pasahero na naapektuhan ng fare hike, dahil lahat ng Pilipino ay apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.