Itutuloy ng transport group na Manibela ang kanilang transport strike bilang pagtutol sa PUV modernization program sa kabila ng mga babala ng posibleng pagbawi ng kanilang prangkisa.
Idaraos ng Manibela ang kanilang strike mula Hulyo 24 hanggang 26 laban sa deadline sa Disyembre 31 para sa consolidation phase ng PUV modernization program.
Ang transport strike ay kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Noong Biyernes, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief Teofilo Guadiz III na ang mga jeepney driver na lalabag sa batas sa pagsali sa transport strike ay maaaring maharap sa parusa, kabilang ang pagbawi ng kanilang prangkisa.
Sinabi ng Manibela na umaasa silang papaboran ni Marcos ang patuloy na operasyon ng mga tradisyunal na jeepney.