-- Advertisements --

Aapela ang transport groups ng dagdag na subsidiya sa gitna ng patuloy na mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Pasang Masda president Obet Martin na kanilang hihilingin sa isasagawang pagpupulong ang fuel subsidy sakaling may matira pang pondo ang Department of Transportation (DOTr).

Kinuwestyon naman nito ang pagpapalawig ng DOTr sa programang Libreng Sakay hanggang sa Disyembre ng kasalukuyang taon subalit nabigong magbigay ng dagdag na assistance para sa mga jeepney drivers.

Magugunita na nitong Martes ng naghain din ang grupo ng petsiyon sa LTFRB para sa kahilingan na dagdag na pasahe para sa jeepney at bus operators at drivers sa kasagsagan ng rush hour upang matulungan ang mga ito na makabawi o maibsan ang kanilang pasanin dala ng patuloy na epekto ng mataas na presyo ng langis.