-- Advertisements --

Inanunsiyo ng International Olympic Committee (IOC) ang kanilang gagawing pagbabago.

Isa dito ang mga sports na pambabae ay dapat salihan lamang ng mga tunay na babae at bawal sa mga transgender women.

Ayon kay IOC president Kirsty Coventry na magiging epektibo ito sa 2028 Los Angeles Olympics.

Dagdag pa nito na ang polisiya ay pinangunahan ng kanilang mga medical experts.

Paliwanang pa nito na hindi naman patas na salihan ng isang hindi tunay babae ang palaro para sa mga babae.

Kasama rin sa pagbabawal ang mga atleta na may Differences in sex development (DSD) kung saan ang hormones, genes o reproductive organs ay may halong lalake at female characteristics.

Hihigpitan nila ang bawat lalahok sa mga pambabaeng sports gaya ng pagsasailalim sa screening sa pamamagitan ng pagkuha ng saliva, blood o swab sample.

Ang hindi pumasa ay maaari pa ring sumali sa mga sports na walang sexual classification.