‘Dream come true’ para sa aspiring half Pinay queen ang pagiging kinatawan nito sa New Zealand sa idaraos na Miss Intercontinental pageant.
Ayon kay Arielle Keil, nasa stage pa siya na kailangang kurutin ang sarili para mag-sink in na naisakatuparan na ang dati’y pangarap lamang.
“It feels surreal. I have to pinch myself every day. I’ve wanted this for years! It’s a dream that was almost a decade in the making!” saad nito sa GMA.
Kilala sa palayaw na Ari, siya ang unang transgender woman sa New Zealand na sasabak sa Miss Intercontinental pageant.
Mayroon siyang Pinoy na ama na suportado naman daw ang kanyang pageant journey.
Ipinanganak ang 26-year-old transgender woman sa Matina, Davao City, pero lumaki sa Auckland, New Zealand.
Nagtapos ito ng bachelor’s degree sa fashion design at kasalukuyang nag-aaral ng creative advertising.
Nitong Setyembre lang nang magtagumpay ang pambato ng Pilipinas sa pinakaunang Miss Trans Global matapos nitong masungkit ang titulo sa grand coronation.
Si Mela Franco Habijan ang kinoronahang Miss Trans Global, at nakuha rin ang pagiging “Eloquent Queen of the Year,” “Super Model of the Year,” at “Glam Beauty of the Year.”