-- Advertisements --

Nag-abiso ang Philippine National Police (PNP) sa mga may lakad sa Camp Crame na suspendido simula ngayong hapon ang lahat ng transaksyon dahil sa 118th anniversary ng police service ngayong araw.

Ayon kay Civil Security Group spokesperson Police Lt. Col Regina Abanales, wala munang pag-proseso ng LTOPF o License to Own and Possess Firearms, pagkuha ng clearance, at maging transaksyon sa loob ng bangko sa Crame.

Kaugnay ng anibersayo, sarado na ang mga gate sa Camp Crame kaninang alas-12:00 ng tanghali bilang paghahanda.

Abala naman na ang mga pulis sa Camp Crame dahil inaasahan na mamayang alas-4:00 ng hapon ay pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang panauhing pandangal.