-- Advertisements --
Nag-anunsyo ang Department of Transportation na ang mga pangunahing linya ng tren at riles sa Metro Manila ay magsususpindi ng operasyon ngayong Semana Santa.
Ito’y upang magbigay daan para sa maintenance activities nito.
Ang LRT-2, MRT-3 at ang Philippine National Railways ay magsususpindi ng operasyon mula Abril 6 hanggang 9.
Pinapayuhan ng ahensya ang publiko na maging handa sa panahon ng pagsususpindi at humanap ng alternatibong masasakyan.
Sinabi rin ng Light Rail Manila Corp. na sususpindihin ang operasyon ng LRT-1 sa parehong schedule.
Magpapatuloy ang mga serbisyo ng nabanggit na tyransportasyon sa Lunes, Abril 10.