
Nag-aalok ang Light Rail Transit-2 (LRT2), Metro Rail Transit3 (MRT3), at Philippine National Railways (PNR) nang libreng sakay sa Abril 10, 11 at 12 para sa mga Filipino military veterans.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay bilang pagdiriwang ng Philippine veterans week at Day of Valor.
Pinayuhan ang mga kwalipikadong pasahero na ipakita ang kanilang identification card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) para maka-avail ng libreng sakay.
Sinabi ng DOTr na pinahihintulutan ng pamunuan ng MRT3 ang mga military veterans na magdala ng isang kasama para makakuha rin ng libreng sakay sa parehong mga petsa.
Ang Philippine veterans week ay ipinagdiriwang mula Abril 5 hanggang 11 taun-taon.
Una na rito,ang LRT2, MRT3, at PNR ay magsususpindi ng operasyon simula ngayong araw hanggang 9 upang bigyang-daan ang mga maintenance activities nito.










