Walang nakikitang malaking pagkakaiba ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lagay ng trapiko sa National Capital Region matapos na inilagay ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1.
Ayon kay MMDA director Neomi Recio, bagama’t wala pa silang hawak na datos sa kung ilang mga sasakyan ang nadagdag sa bilang ng mga bumabaybay sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ay masasabi niya na halos pareho lang naman ang sitwasyon bago pa niluwagan ang restrcitions sa NCR.
Noong Pebrero 22, sinabi ni Recio na nasa 372,528 ang volume count ng mga sasakyan na dumaan sa mga pangunahing kalsada sa NCR.
Kaugnay ng Alert Level 1 status sa Metro Manila, sinabi ng MMDA na nakipagpulong sila sa mga bus at mall operators, pati na rin sa LTFRB sa kung paano ang kanilang magiging diskarte sa kasalukuyang sitwasyon ng rehiyon.
Sinabi ni Recio na maglalabas sila ng mga karagdagang announcement sa oras na maging available na ngayong linggo ang kanilang updated vehicle count.