Pagpapaliwanagin ang mga trader at middleman kaugnay ng mataas na presyo ng mga produktong pang-agrikultura kahit na mababa ang farm gate price sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Committee on Trade and Industry, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Sinabi ni Speaker Romualdez na papanagutin ang mga mapatutunayan na sila ay nagsasamantala para lumaki ang kanilang kita kahit na magdulot ito ng paghihirap sa mga ordinaryong mamimili.
Sinabi ni Speaker na kanilang ipapatawag ang mga trader at mga middlemen para tanungin kung bakit malalaki ang agwat sa presyo ng mga bilihin kahit mababa ang farm gate price.
Noong Lunes ay nagsagawa ng imbestigasyon ang komite ni Biron alinsunod sa direktiba ni Speaker Romualdez kaugnay ng agwat ng farm gate price at retail price.
Nagpahayag ng pagkadismaya sina Speaker Romualdez, Tulfo, at Biron kaugnay ng pag-amin ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na wala silang mabilisang solusyon sa isyu.
Sa susunod na pagdinig, sinabi ni Speaker Romualdez na ipatatawag ang mga negosyante at middleman sa susunod na pagdinig.
Binigyan-diin ni Speaker Romualdez na dapat mapigilan ang lumalaking agwat ng farm gate price at retail price para sa kapakanan ng mga magsasaka at konsumer.
Ayon kay Speaker Romualdez hindi puro kita ang dapat na atupagin ng mga negosyante kundi kailangang ikonsidera rin nila ang maraming pamilya na nahihirapan sa kanilang ginagawa.