-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US President Donald Trump na tuloy na ang trade talks sa pagitan nila ng China.
Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang ginawang pag-uusap ni Trump ng mahigit isang oras kay Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa US President na gaganapin ang trade talk ng dalawang bansa sa darating na Hunyo 9 sa London.
Ilan sa mga dadalo na mga gabinete nito ay sina Treasury Secretary Scott Bessent, Secretary of Commerce Howard Lutnick, at United States Trade Representative Ambassador Jamieson.
Magugunitang nagkaroon ng trade war ang US at China dahil sa pagtaas ng mga taripa ng bawat bansa.