Inirekomenda ni Trade Secretary Ramon Lopez ang pagtanggal sa importation ban sa mga poultry meat mula Brazil.
Sa Laging Handa virtual briefing, sinabi ni Lopez na ang patuloy na pag-iral ng importation ban ay maaring magresulta sa shortage at price hike.
Pahayag ito ng suporta ni Lopez sa mga local meat processor na umaapela sa Department of Agriculture (DA) na bawiin na ang ipinataw na importation ban sa naturang mga produkto.
Magugunita na bilang “precautionary measure” ay naglabas ng memorandum order si Agriculture Sec. William Dar hinggil sa importation ban sa poultry meat mula Brazil nitong buwan lamang.
Ito ay matapos na ang SARS-COV-2, na siyang causative agent ng COVID-19, ay na-detect sa chicken wings na imported mula Brazil.
Pero ayon kay Lopez, maaring humantong sa shortage ng processed meat sa bansa dahil sa restrictions na ito.