-- Advertisements --
philippine economy

Lumawak ng 69.1 percent ang trade deficit ng bansa sa buwan ng Hulyo.

Ito’y matapos nakapagtala ang bansa ng 5.93 billion dollars sa buwan ng Hulyo mula sa 5.84 billion dollars noong buwan ng Hunyo.

Sa buwan ng Hulyo, ang export sales ay umabot sa 6.21 billion dollars, bumaba ito ng 4.2 percent habang ang total imports ay umabot sa 12.14 billion dollars na may annual rate increase na 21.5 percent.

Batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga mineral fuels, lubricants at iba pang mga related materials ay pinakamabilis na lumago kasunod ng mga cereal at mga transport equipment.

Samantala, sa 10 pangunahing grupo ng kalakal, 4 ang nagtala ng taunang pagbaba sa halaga ng mga eksport.

Nauna nang pinawi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang pangamba sa lumalawak na trade deficit, na kinabibilangan ng imports para mapalakas ang infrastructure program ng bansa.

Sinabi niya na ang bansa ay makikinabang mula sa infrastructure drive sa mahabang panahon.