Nananawagan si House Committee on Public Works and Highways senior vice-chairman Romeo Momo sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan ang pagtatrabaho sa government at private construction projects.
Apektado na rin kasi aniya ng pinalawig pang enhanced community quarantine dahil sa COVIDI-19 pandemic ang hanay ng mga infrastructure projects ng pamahalaan.
Sa oras aniyang mapabayaang magpatuloy ang ganitong sitwasyon ay tiyak na maapektuhan din ang inaasahang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Iginiit ng kongresista na nasa apat na milyong trabaho at iba pang livelihood opportunities ang posibleng mawala kung hindi papahintilutan ang pagtatrabaho sa mga government at private construction projects.
Sa katunayan, noong nakaraang taon lang ay tumaas ng 10.0 percent ang ambag sa ekonomiya ng construction sector.