Kinumpirma ni Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay na marami pa ring job opportunities para sa mga Pilipino mula sa apat na sektor ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ang mga naturang sektor na ito ay health sector, construction sector, business process outsourcing (BPO) at mga ahensya ng gobyerno
Sa health sector ay may job opening para sa mga nurses, medical technicials, medical practitioners at pharmacists.
Dagdag pa nito na marami ring oportunidad sa sektor ng konstruksyon dahil sa nagpapatuloy na Build Build Build (BBB) program.
Ang mga higit na kailangan dito ay civil engineers, mechanical engineers, electrical engineers at mga arkitekto.
Binigyang pugay naman nito ang mga empleyado na nagtatrabaho sa BPO sector dahil sa pagiging resilient ng mga ito pagdating sa job opportunities.
In-demand sa nasabing sektor ang mga Information Technology (IT), customer service representative, programmers, encoders, at maging ang mga app and game developers.