-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Umabot sa kabuuang 83,942 ang mga turistang nagbakasyon sa Isla ng Boracay simula Enero 1 hanggang 15 ng kasalukuyang taon.

Sa datos na ipinalabas ng Malay Municipal Tourism Office, karamihan sa mga bumisita sa isla ay domestic tourists na umabot sa 63,753.

Nasa 14,812 naman ang bilang ng mga foreign tourists habang 5,377 ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Bumuhos ang mga turista sa isla sa selebrasyon ng Bagong Taon kasabay sa muling pagbabalik ng inaabangang fireworks display gayundin ang sarili nilang bersyon ng Ati-Atihan Festival.

Noong 2022 ay umabot sa mahigit 1.75 milyong turista ang nagbakasyon sa Boracay.