-- Advertisements --
Taiwan visa free entry
FILE PHOTO: Travelers arrive at the airport as the Taiwanese government announced a ban for most foreigners entering the island, as part of preventive measures against coronavirus disease (COVID-19), at Taoyuan International airport in Taoyuan, Taiwan, March 18, 2020. REUTERS/Ann Wang/File Photo

Pumalo pa sa halos 2.4 million tourist arrivals ang naitala ng Department of Tourism mula nang muling buksan ang borders ng bansa para sa international travel noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Base sa datos mula sa DOT as of December 15, nakapagtala ng kabuuang 2,397,919 foreign arrivals kung saan karamihan ay mula sa United States (447,278) sumunod dito ang South Korea (374,097), Australia (118,228), Canada (109,041) at United Kingdom (90,196 tourist arrivals).

Nalagpasan nito ang target ng tourism department na 1.7 million turista para sa taong 2022 na naabot noon pang buwan ng Oktubre.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, ang pagtaas ng tourist arrival sa bansa ay iniuugnay sa pagluluwag sa travel restrictions gaya ng mandatoryong covid-19 testing, pagsusuot ng face mask at quarantine period na ipinatupad ng gobyerno para makontrol ang pagkalat ng virus.

Ang pagluluwag sa mga travel requirements ay nagbigay din sa bansa ng mas mataas na revenue o kita mula sa turismo na nasa humigit kumulang P130 billion noong nakalipas na buwan.