-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Nananatiling mataas ang tourist arrival sa isla ng Boracay sa kabila ng nararanasang Habagat at mga pag-ulan sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Malay tourism officer Felix Delos Santos, naglalaro sa 6,000 hanggang 8,000 bawat araw ang domestic tourist arrival.
Batay sa datos, mula Mayo 1 hanggang 7, nakatala sila ng kabuuang 100,302 na bilang ng mga turistang pumasok sa isla.
Sa nasabing bilang, halos 10 porsiyento nito ay mga dayuhan.
Nangunguna ang mga bakasyunista mula sa Amerika, Europe, Germany, UK, at ilang Asian countries gaya ng Korea.
Matumal pa aniya ang pasok ng mga Chinese tourist dahil sa mataas na kaso ng Covid-19 sa kanilang bansa partikular sa Shanghai.










