-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Tinatayang 16,487 ang naitalang tourist arrival sa Boracay noong nakaraang buwan na nasa gitna pa rin ng kinakaharap na pandemya.

Batay sa datos mula sa Malay Municipal Tourism Office, 63.36 percent o 10,446 sa kabuuang bilang ng mga nagbakasyon sa isla ay mula sa National Capital Region (NCR).

Sumunod dito ang CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) na may 2,984 tourist arrival; at sa Western Visayas na umabot sa 1,741.

Kabilang sa Top 10 visitors ng Boracay ay mula sa Central Luzon na may 966 tourist arrival; Central Visayas na may 78; Ilocos Region, 52; Northern Mindanao at Cagayan Valley na may tig-34; Cordillera Administrative Region, 33; Bicol 31; at Davao na may 22 tourist arrival.

Dagdag pa nito, majority sa mga turista ay may edad na 22 hanggang 59-anyos na may kabuuang bilang na 14,019 arrivals; habang 2,174 tourists naman ang may edad mula zero month old hanggang 21-anyos; at nasa 294 ang mga senior citizen.