-- Advertisements --

Nagtala ang Department of Tourism ng isang milyong tourist arrivals sa bansa sa unang tatlong buwan ng 2023.

Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco, na tuluyan ng nakabangon ang sektor ng turismo sa bansa mula ng manalasa ang COVID-19 pandemic.

Dahil dito ay tiwala siya na maabot nila ang kanilang target na 4.8 milyon na international arrivals.

Pagtitiyak nito na tuloy-tuloy ang kanilang mga ugnayan sa iba’t-ibang local government unit para sa pagpapaigting ng turismo sa kani-kanilang mga lugar.