Naniniwala si Albay Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pang bumaba sa pwesto si Sec. Christina Frasco ng Kagawaran ng Turismo.
Ito ay sa likod ng naging kontrobersiya sa inilabas na promotional video para palakasin ang sector ng Turismo sa Pilipinas, kung saan bahagi ng nasabing video ay mga ninakaw na footage mula sa iba’t-ibang mga bansa.
Ayon kay Cong Salceda, sa halip na resignation ay mas nakabubuting tutukan na lamang ni Sec. Frasco ang susunod na gagawing hakbang, kasabay ng pagpapalakas sa kampanya para sa Turismo sa bansa.
Kasabay nito, hinimok ng mambabatas ang publiko na supurtahan at tulungan si Sec. Frasco na mapalakas ang sektor ng Turismo sa bansa.
Nakahanda rin aniya ang kanyang opisina na tulungan ang kalihim sa pagpapalago sa nasabing sektor.
Maliban dito, makakatulong din ng malaki ang probinsya ng Albay, na may malaking karanasan sa usapin ng Turismo. Sa katunayan, sinabi ni Salceda na napaangat ang bilang ng mag foreign tourists sa buong probinsya ng hanggang sa 4,700%, daan upang tawagin itong rising star sa nasabing sektor.
Matatandaang una na ring pinuna ng Kongresista ang hindi pagkakasali ng Albay sa inilabas na promotional video ng Kagawaran, bago pa man ito umani ng batikos dahil sa paggamit ng mga video clips na hindi naman nanggaling sa Pilipinas.
Ang inilabas na promotional video ay pinundohan umano ng halos P50Million