-- Advertisements --

Nakaisa na rin ng panalo ang No. 1 team sa Eastern Conference na Philadelphia Sixers sa hiwalay din nilang first round playoffs laban sa Washington Wizards, 125-118.

Bumida si Tobias Harris sa kanyang 37 points upang pangunahan ang top-seeded team.

Ang MVP candidate na si Joel Embiid ay nagposte ng 30 points habang si Ben Simmons ay inalat at nagpakita lamang ng anim na puntos.

Sa kampo ng Wizards nasayang ang 33 points, 10 rebounds at 6 assists na nagawa ni Bradley Beal.

Si Russell Westbrook naman ay nagtapos sa 16.