Muling nagtipon-tipon ang matataas na opisyal ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa Pre-Final Week/Command Conference ng mga ito bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30, 2023.
Ito ay dinaluhan ng mga top officials mula sa Commission on Elections, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard na layuning mas mapaigting pa ang koordinasyon ng bawat ahensya sa pagpaplano para sa seguridad at demokratikong proseso sa naturang halalan.
Ang Command Conference na ito ay nagsisilbing platform para sa naturang mga ahensya na muling irebisa ang kanilang mga security at operational plans na layuning matiyak na magiging mapayapa ang BSKE 2023.
Kabilang sa mga tinalakay ng mga opisyal ay ang mga ipatutupad na security protocols, resource allocation, at deployment ng mga personnel sa mga election areas of concerns sa ating bansa.
Samantala, kaugnay nito ay pawang nagpahayag naman ng kahandaan ang naturang mga kagawaran para sa pagtiyak ng seguridad, kapayapaan, at credible election.