PNP region 12 corpuz

GENERAL SANTOS CITY – Hindi na mga progresibong grupo ang magsisigaw sa kalye at plaza ngayong araw dahil mga pulis na ang magsasagawa ng indignation rally sa anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ngayong araw.

Mangunguna mismo si B/Gen Alfred Corpuz ng Police Regional Office-12 para kondenahin ang terorismo, karahasan at iba pang pagsuway sa karapatang pantao.

Kasama ni Corpuz ang kanyang mga provincial at city director pati na ang buong hanay ng pulisya.

Pagkatapos ng indignation rally kaagad magsasagawa ng press conference sa Mayors Office kasama ang mayor ng lungsod at iba pang opisyal ng LGU.

Matatandaan sa mga nakaraang mga taon ang makikita sa plaza general na nagsagawa rin ng rally ay ang iba’t ibang grupo para iparinig ang kanilang hinaing laban sa gobyerno.