-- Advertisements --
Nakuha ng South Sudan ang ikalawang panalo at may 3-2 win-loss record sa kanilang kampanya sa 2023 FIBA World Cup sa Smart Araneta Coliseum.
History made ang ipinamalas ng mga South Sudanese sa kanilang final classification phase kontra Angola, 101-78.
Nagpasabog ang American-South Sudanese at Chicago Bulls guard Carlic Jones ng 26 points, 7 rebounds at 15 assists.
Nag-ambag naman si Marial Shayok na kumana ng 18 points at 3 rebounds.
Sa kanilang panalo kontra sa former 11-time African champion Angola, nakuha ng South Sudan ang puwesto sa 2024 Paris Olympics.