POLOMOLOK, South Cotabato – Isa ang sugatan habang isa naman ang nakatakas sa pagsisilbi ng search warrant ng mga pulis sa No. 10 most wanted person sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato.

Ito’y matapos nakipagbarilan umano sa mga pulis ang suspek na si Kenneth Abdullah Marangkit Bueno, nasa ligal na edad at residente ng Purok Marangkit, Barangay Rubbert, Polomolok.

Una nito, nakita ang suspek sakay sa motorsiklo at may angkas na lalaki sa checkpoint sa Purok San Miguel, Barangay Poblacion sa naturang munisipyo.

Hindi huminto sa checkpoint ang dalawa sa halip ay pinaputukan pa ang mga otoridad at nag-counter fire naman ang mga pulis kung saan tinamaan ang suspek sa paa kaya natumba.

Naaresto si Bueno samantala nakatakas ang kasama nito na dala ang armas. Nadala pa sa ospital ang suspek at nakakustudiya na sa Polomolok Police Station ang supek ang may warrant of arrest na inilabas ni Honorable Judge Eddie R. Rojas sa RTC Branch 39, Polomolok, South Cotabato sa kasong may kinalaman sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.