-- Advertisements --

Inatasan ni PNP OIC Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa ang lahat ng police regional offices sa bansa na magsumite ng kanilang Top 10 list ng mga high value targets na may kinilaman sa iligal na droga.

Ayon kay Gamboa, kailangan ang listahan para sa mas pinaigting na anti-illegal drugs campaign ng PNP ngayong taon laban sa illegal drugs trafficking na 50 kilo ang bigat pataas.

Gagamitin din ang Top ten list sa pagtukoy ng priority ng PNP na kanilang sisilbihan ng search warrant at huhulihin sa buy bust operation.

Samantala, ibinunyag naman ni Gamboa na marami pang high value target na kanilang i neutralized dito sa Metro Manila.

Tumanggi naman si Gamboa na ikumpara ang mga previous war on drug campaign ng PNP na pinamunuan ng kaniyang mga mistah na sina Sen. Ronald Dela Rosa at retired Gen. Oscar Albayalde at ngayon na siya ang namumuno sa PNP.