Itinakda na sa Miyerkules, Oktubre 9, ang cremation sa labi ng beteranong aktor na si Tony Mabesa

Sa ngayon ay nakaburol pa rin ang labi ni Mabesa sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Quezon City.

Bumaha ng wreaths of flower sa ataul nito kung saan hanggang labas na ito ng chapel.

Huling bumida ito sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Rainbow’s Sunset” kasama ang sumakabilang-buhay na rin na si Eddie Garcia.

Nitong Biyernes nang bawian ng buhay si Mabesa sa edad na 84, at sunod na pumanaw pagsapit ng Sabado ang 79-year-old former movie queen na si Amalia Fuentes.