Nasabat sa lungsod ng Navotas ang tone-toneladang frozen meat mula sa China.

Pinangunahan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang operasyon ng maharang nila ang isang container van sa San Rafael Village.

Sa pamamagitan ng impormasyon na ipinarating sa ahensiya ay naharang ang truck at ng kanila itong buksan ay lumantad ang mga frozen poultry products gaya ng black chiken, duck liver at mga parte ng Peking duck.

Sinabi ni Dr. Isidro Callagan, senior meat control officer ng NIMIS-NCR, na walang anumang dokumento o papeles na maipakita ang driver at pahinante ng truck.

Magugunitang may ipinapatupad pa rin na ban ang Department of Agriculture sa mga karne mula sa ibang bansa dahil sa banta ng African Swine Fever.