-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umabot sa 35 fish cages sa may Sitio Calugmaan, Barangay Camagong sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte, ang natamaan ng fish kill simula pa nitong Linggo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng fisher folk leader na si Ruben Timogan na sa nasabing bilang, 25 ang totally wiped-out habang partially damaged lang ang natitirang 10.

Parehong may load ang mga ito na tig-14 hanggang 16,000 bangus fingerlings na kung ma-harvest ay aabot sa lima hanggang anim na tonelada ang timbang.

Dagdag pa ni Timogan, apat na dump truck ang humakot sa mga isda na kinarga naman ng payloader at inilibing sa dump site ng Sitio Mantalio ng Barangay Kinabjangan sa nasabi ring bayan.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nakakuha na ng water sample ang mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang malaman ang dahilan ng fish kill.