-- Advertisements --

Tinalo ni Tommy Fury ang kapwa social media star na si KSI o si Olajide William Olatunji sa kanilang exhibition fight sa AO Arena sa Manchester.

Ang nasabing laban ay hindi lisensiyado ng British Boxing Board of Control at walang professional boxing license sa United Kingdom si KSI.

Sa six-round cruiserweight fight ay kapwa ipinakita ng dalawa ang kanilang limitasyon.

Nakuha ng 24-anyos na si Fury ang majority decision.

Isa sa mga judge ang nagbigay ng 57-57 na score habang ang isa ay 57-56.

Hindi naman tinanggap ni KSI ang pagkatalo at sinabing siya ay ninakawan kaya humirit ng rematch.