-- Advertisements --

Hinimok ni Laguna 3rd District Rep. Sol Aragones ang mga operators ng South Luzon Expressway (SLEX) na pansamantalang suspendihin ang pagsingil ng toll fees, o babaan ang rates na kinokolekta mula sa mga commuters.

Sa House Resolution 428 na kanyang inihain sa Kamara, sinabi ni Aragones na dahil sa patuloy ang construction ng Skyway extension ay ilang lanes ng SLEX ang kinailangang isara.

Sa pagsara ng mga lanes na ito ay tinatayang nasa 370,000 motorista aniya ang apektado ng gridlock ng dahil sa matinding traffic.

Ayon kay Aragones, kaya nga gumagamit ang mga motorista ng expressway ay para mas mabilis ang kanilang oras ng pagbiyahe.

Dahil dito, marapat lamang daw na pansamantalang suspendihin ang pagsingil ng toll fees o bawasan man lang ang rates na sinisingil sa mga commuters sa loob ng anim na buwan.