-- Advertisements --
Tiniyak ng mga organizer ng Tokyo Olympics na matibay ang mga kama na gagamitin ng mga atleta sa Olympic village.
Una nang naging trending ang report na “anti-sex” daw ang kama at madaling masira dahil gawa lamang ito sa cardboard.
Layon daw nito na maiwasan ang pagsasama ng babae at lalaki lalo na at pinaiiral ang social distancing.
Maging ang Irish gymnast na si Rhys McClenaghan, ay nag-video sa kanyang sariling kuwarto at lumukso ng ilang beses upang patunayan na fake news ang unang lumabas na impormasyon.
“The beds are meant to be anti-sex,” ani McClenaghan sa Twitter post. “They’re made out of cardboard, yes, but apparently they’re meant to break with sudden movements. It’s fake, it’s fake news.”