-- Advertisements --
Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Rain or Shine Ealsto Painters sa Overtime game 89-85 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Naging susi sa panalo ng TNT si Jayson Castro kung saan bumuhos ito ng 10 points para mahabol ang 16-points na kalamangan ng Rain or Shine at madala ang laro sa overtime sa laro na ginanap sa Ynares, Antipolo City.
Nanguna sa panalo ng TNT si Tory Rosario na nagtal ang 19 points habang mayroong 15 point si Mikey Williams.
Mayroon ng apat na panalo at dalawang talo ang TNT habang mayroong isang panalo at apat na talo ang naitala ng Elasto Painters.










