-- Advertisements --

Pinalawig pa ng TNT Tropang Giga ang kontrata ni Jayson Castro.
Ayon sa koponan na mayroong tatlong taon na extension ang pinirmahan na kontrata ng tinaguriang “The Blur”.

Kahit na mayroon pang hanggang Agosto 2023 sa natitirang kontrata ni Castro ay hindi na nagdalawang isip na palawigin ang kontrata nito.

Hindi naman na binanggit ang halaga ng pinirmahan nitong kontrata.

Ito na ang pang-anim na kontrata ni Castro sa TNT mula ng maging third overall pick noong 2008 PBA Draft.

Itinuturing si Castro bilang best point guard sa 7-time PBA champion at 2-time PBA Finals Most Valuable Player.