-- Advertisements --

Nalusutan ng TNT Tropang Texters ang Rain or Shine 105-100 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.

Dahil sa panalo ay mayroon ng dalawang panalo at walang talo ang TNT na katabla na nila ang Meralco Bolts at Converge FiberXers.

Nanguna sa panalo ng TNT ang kanilang import na si Jalen Hudson na mayroong 24 points habang mayroong 24 points si Mikey Williams.

Hawak pa ng Rain or Shine ang kalamangan 49-36 sa pagtatapos ng first half.

Inamin ni TNT interim coach Jojo Lastimosa na nahirapan sila dahil sa matinding depensa na ipinamalas ng Rain or Shine.

HIndi naman umubra ang nagawang 17 points ni Rey Nambatac at 13 points ni Norbert Torres para sa Elasto Painters.