-- Advertisements --

Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Rain or Shine Elasto Painters 108-107 sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup.

Naging hamon sa TNT ang panalo dahil sa nahabol nila ang 10 points na kalamangan ng Rain or Shine.

Nanguna sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na mayroong 23 points at 14 rebounds habang mayroong 22 points si Roger Pogoy at 14 points,
pitong assists naman ang naitala ni Jayson Castro.

Nasayang naman ang nagawang 20 puntos nina Adrian Nocum at Santi Santillan.